Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pang Gomez De Liano sa Gilas

0 132

Malamang makasama na ni Juan Gerardo Gomez de Liano ang kanyang kuya na si Javier ‘Javi’ Gomez de Liano sa Gilas Pilipinas na darayo ng Manama, Bahrain sa pagpapatuloy ng kampanya para sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) World Cup qualifiers sa huling bahagi ng November.

Balik Gilas Cadet training pool si Juan, 20, at sumama si Javi, 22, sa pagkukunang talento ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na sasagupa sa Thailand sa Nov. 26 at 30, at sa Korea sa Nov. 28.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa makakilos ang Philippine Basketball Association (PBA) na may Philippine Cup bubble sa Clark, Angeles na aabutin ng ikalawang linggo ng December

Parte ang nakababatang Gomez de Liano sa national men’s basketball team na nagtumba sa Indonesia noong Pebrero sa Jakarta. Kasama rin sana si Javi roon na hindi lang nakapasok sa cut.

Nasa pool din sa kasalukuyan sina Kobe Lorenzo Paras, Rey Anthony Suerte, Goerge Isaac Go, mag-utol na Michael Joseph ‘Mike’ at Joseph Matthew ‘Matt’ Nieto, Jaydee Tungcab, Allyn Bulanadi, Calvin Oftana at Sean Dave Ildefonso. (RDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.