Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pang heneral sibak sa palpak na NPA list

0 305

Tuluyang sinibak ni Armed Forces chief General Gilbert Gapay si Major General Benedict Arevalo, ang deputy chief of staff for civil military operations (J7) kasunod ng imbestigasyon dahil sa paglalabas ng palpak na listahan ng umano’y mga New People’s Army (NPA) na napatay ng mga sundalo.

Nauna rito ay inanunsyo ni Arevalo na nag-leave siya sa puwesto kasunod ng kontrobersya.

Basahin: Sugar daddy app pinakalkal sa Senado

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi pa ni AFP spokesman Major General Edgard Arevalo, na target sa gagawing imbestigasyon ang matukoy ang sakop na responsibilidad at pananagutan ng mga indibidwal na sangkot sa maling post at paano pa mapapabuti ang kanilang sistema sa paglalabas ng impormasyon.

Sinabi ni Defense chief Delfin Lorenzana na ang listahan ay galing sa opisina ni top military intelligence official Major General Alex Luna at tinawag pa ito na ” unforgivable lapse.”

Naunang na ring nasibak sa puwesto si Luna. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.