Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pang PNPA kadete patay, mga training sinuspinde

0 292

Panibagong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang pumanaw sa loob ng campus sa Silang, Cavite kahapon.

Dahil dito, pinasususpinde ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa ang lahat ng aktibidad para sa mga bagong kadete ng PNPA Class of 2024 matapos mamatay ang isang babaeng kadete.

Ang pagkamatay ng babaeng kadete ang ikalawa na sa hanay ng mga bagong miyembro ng Cadet Corps of the Academy sa loob lang ng tatlong araw.

Ayon sa report, nag-collapse si Cadet Fourth Class Jiary Jasen Papa dahil sa umano’y electrolyte imbalance o hypokalemia, o low potassium intake.

“According to Cadet Fourth Class Jiary Jasen Papa’s logbook, she requested permission to go to the comfort room at 2:30 a.m. and later went back to sleep. After an hour, she woke up to prepare for early morning activity but suddenly collapsed beside her bunks,” pahayag ni PNPA head Police Major Gen. Jose Chiquito Malayo.

Dinala siya sa Academy Health Service para mabigyan ng paunang lunas bago ilipat sa ospital, gayunman alas-4:34 ng madaling-araw ng pumanaw ito. Makakatanggap naman ng tulong pinansyal ang pamilya ni Papa.

Bago nito, noong Miyerkoles, pumanaw ang kaklase ni Papa na si Cadet Fourth Class Kenneth Ross Alvarado dahil sa heat stroke. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.