Abante Tonite Interactive

1 pang preso todas sa Cavite

By
0 89

Umabot na sa 25 ang bilang ng mga presong namatay sa loob lamang ng tatlong buwan, makaraang madagdag sa bilang ang isang bilanggo na nasawi sa Imus Custodial Center sa Cavite.

Sa ulat ni PO1 Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, dakong alas-tres Miyerkoles ng madaling-araw nang nakaramdam ng hirap sa paghinga sa loob ng kulungan si Nicolas Tagnipes, alyas ‘Nic,’ 63-anyos, dating electrician ng Block 10 Lot 5 ACM Homes, Brgy. Alapan 1A, Imus City, Cavite kaya isinugod ito sa Ospital ng Imus bago inilipat sa Las Piñas District Hospital. Gayunman, namatay ito habang ginagamot.

Si Tagnipes ay ikinulong noong Nobyembre 28 ng taong kasalukuyan matapos itong maaresto dahil sa pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.