Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 pang tauhan ng politiko dinakma sa boga

0 109

Isa na namang sinasabing security personnel ni Rosario Mayor Voltaire Ricafrente ang inaresto.

Ito ay kinilalang si Mario Merano alias “Ayong” 45, binata, security personnel sa bahay ni Ricafrente. Binitbit si Ayong sa Bacoor City Police Station dakong alas-4:00 Sabado ng madaling araw dahil sa pagdadala nito ng baril na walang dokumento.

Sa ulat ni Corporal Christian Jovita, ng Bacoor CPS, alas-11:30 Biyernes ng gabi nang magtungo ang mga operatiba ng Bacoor CPS at Rosario CPS sa bahay ni Mayor Ricafrente sa Posta Verde Rosario kaugnay sa pagkamatay ni Pamaran at pagkakasugat ng kanyang ama subalit nang hingan ng dokumento ang nakasugbit nitong baril ay wala itong naipakitang papeles dahilan upang arestuhin.

Narekober kay Merano ang isang kalibre 45 na baril, tatlong magazine at 26 na live ammos.

Nakasibilyan ang suspek nang ito ay dis-armahan at arestuhin. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.