Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 patay, 4 sugatan sa outing ng pamilya

0 77

NAUWI sa trahedya ang sanay masayang outing ng pamilya at kanilang kamag-anak nang namatay ang isang 9-anyos na nene habang sugatan ang apat pang kasama kabilang ang dalawa pang menor de edad nang bumulusok ang sinasakyang tricycle sa Magallanes, Cavite Sabado ng umaga.

Isinugod pa sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic ang biktimang si Jazz, 9-anyos subalit namatay din.

Nasa maayos nang kalagayan ang kasamahan nitong sina Madel Epe, 22; tatlong bata at driver ng Honda Wave na motorsiklo na may side car na si Loida Pontanes, 43.

Sa ulat ni PSSgt Armando Perez, ng Magallanes Police Station, patungo ang mga biktima sa outing alas-9:45 Sabado ng umaga sa Brgy Tua Magallanes, Cavite habang sakay sa isang motorsiklo na may side car na minamaneho ni Pontanes nang pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol sa kanyang manibela ang huli kaya bumulusok pababa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.