Abante Tonite Interactive

#1 sa drug list ng PNP sa CamSur napatay

By
8

Patay ang isang lalaking tulak ng iligal na droga at  nasa number 1 target list ng awtoridad matapos na manlaban umano ito sa aarestong kapulisan sa isina­gawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Felix, nasa hustong gulang at number 1 sa drug list ng Nabua-PNP.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon ng magsagawa ng entrapment ope­ration ang pulisya sa Zone 6 Brgy. Lourdes, Yuong ng nabatid na bayan laban sa suspek.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ito ng kanyang maikling kalibre ng baril at paputukan ang police poseur buyer ng dalawang sunod at nagawang makaganti ng putok ng mga kasamahang pulis dahilan upang masapul ang suspek.