Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 suspek sa Starmall shootout tukoy na

0 924

Nakilala na ng pulisya ang isa sa tatlong suspek na nagnakaw ng reserbang gulong sa Starmall Alabang sa Muntinlupa kamakalawa ng hapon na dahilan ng shootout sa parking area roon.

Kinilala ang isang suspek na si Richard Fontanilla, 48, na nakuhanan sa CCTV ng mall habang ninenenok ang reserbang gulong ng isang SUV na nakaparada sa 2nd floor parking area. Huwebes pinaputukan ng mga security guard ng mall ang papalayong kotse ng mga suspek matapos sagasaan ng huli ang iniharang na motorsiklo ng nauna.

Hinabol ng pulisya ang mga suspek at natagpuan ang sasakyan sa harapan ng isang condo.

SM food to go Banner Ad

Ang kotse, na isang Montero Sports at nirentahan sa may-aring si Mahmoud Barbeche, ay naglalaman ng limang gulong na pinaniniwalaang mga nakaw at anim na basyo ng bala ng baril.

Salaysay ni Barbeche, may car rental business siya at nitong Mayo 4 nirentahan ang nasabing sasakyan ng isang Marivic Delos Santos na taga-Tondo, Maynila. Matapos ipakita kay Berbeche ang CCTV footage ay sinabi niyang ang isa sa mga suspek ay si Fontanilla, asawa umano ni Delos Santos. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.