Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 taon back pay sa mga `demoted’ nurse – Defensor

0 265

Dapat umanong bigyan ng back pay ang mga nurse sa gobyerno na na-demote ng Department of Budget and Management (DBM) sa salary ranking kaya nabawasan ang kanilang sinusuweldo.

Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, hindi bababa sa P36,000 bawat isa ang matatanggap na back pay ng mga naapektuhang nurse.

Sinabi ni Defensor na ibinasura ng Office of the President (OP) ang utos ng DBM na ibaba ang ranggo ng mga nurse sa kalagitnaan ng 2020.

Ipinatupad ng DBM ang pagbaba ng ranggo matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dapat sumunod ang gobyerno sa batas na nagsasabi na ang pinakamababang sahod ng nurse sa gobyerno ay salary grade 15 mula sa SG 11 (P22,000).

Sa ilalim ng circular na inilabas ng DBM, ang Nurse II ay ibinaba sa Nurse I kaya sa halip na sumuweldo ang mga ito sa ilalim ng SG 16 (P36,628 hanggang P39,650) sila ay kumita ng P33,575 hanggang P36,323 (SG 15) kada buwan o mahigit P3,000 bawas.

Sa desisyong inilabas ng OP noong Hunyo 1 ibinalik ang mga Nurse II sa dati nilang ranggo at makatatanggap na ng SG 16.

Paliwanag pa ni Defensor, ang back pay ng mga ito ay dapat kuwentahin mula kung kailan sila na-demote hanggang ngayong buwan.(Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.