Abante Tonite Interactive

1 taon na dadapa ang piso

By
6

Hindi lang ngayong buwan kundi maaaring abutin ng isang taon ang paghina ng piso kontra dolyar.

Ito ang ibinabala ng isang analyst matapos na sumadsad sa pinakamababang halaga sa loob ng 10 taon ang palitan ng piso kontra dolyar kahapon.

Mula sa P50.50 nitong Miyerkules, bumulusok sa P 50.53 ang ha­laga ng dolyar.

Abante Hiring – IT dep

Tantiya ng isang ­analyst, maaaring sumampa sa P51.50 ang halaga ng dolyar sa pagtatapos ng taong 2017, lalo na kung bababa ang remittance ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at sumadsad pa sa P52.50 kung patuloy na bumaba ang “account surplus” ng bansa.