Abante Tonite Interactive

1 taon na: Kylie-Jake nagpasarap sa Singapore

788

Huling araw ngayon ng Disyembre at taong 2019. Pero bago natin salubungin ang taong 2020, atin munang balikan ang mga kaganapan sa showbiz nitong taong magtatapos.

Ang inasahang pagkakabalikan ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino ay hindi natuloy nang pagpasok ng January 2019 ay maging viral ang larawan ni Carlo kasama ang kanyang rumored girlfriend, ang modelong si Trina Candaza. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uusap sina Angelica at Carlo pero open na ang relasyon ng ackor sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Nabuo naman ang love affair nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa set ng first team-up nila na “The Better Woman”. Nabigla ang marami nang biglang maghiwalay sina Derek at Joanne Villablanca. Ang itinuturong dahilan umano ay si Andrea.

Kahapon, December 30, ay first anniversary bilang magkasintahan nina Jake Cuenca at 2016 Miss International-turned actress na si Kylie Verzosa. Ito’y kanilang sinelebrate in Singapore na itinaon din nila sa 32nd birthday ni Jake.

Although may mga naglabasang balita na nagli-live in na ang dalawa, ito’ personal na pinabulaanan sa amin ng aktor.

Eddie Garcia newsmaker ng 2019

Hindi maikakaila na isa sa mga newsmaker ng taong 2019 ay ang hindi inaasahang pagkamatay ng 90-year-old veteran actor-director na si Eddie Garcia. Nangyari ang aksidente sa taping ng “Rosang Agimat” noong June 8. Pinagmumulta naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang GMA ng P890,000 sa umano’y labor violation.

Marami-rami ring showbiz personalities ang namaalam sa taong 2019 na sinimulan ng komedyanteng si Bentong (Domingo Vusotros Brotamante, Jr.) nu’ng February 9 sa edad na 55. Ito’y nangyari sa kanyang hometown sa Tabaco, Albay dahil sa komplikasyon sa kanyang sakit na diabetes. February 10 naman namayapa ang ina ng singer-composer, TV host-comedian, painter-writer na si Joey de Leon na si Gng. Emma Manahan Ramos-de Leon. Kinabukasan, February 11, ay yumao ang veteran singer-actress at movie producer na si Armida Siguion-Reyna.

Ang iba pang celebrities na pumanaw ay sina Edgar Samantela Opida, ang tinaguriang “Elvis Presley of Asia” sa edad na 73. Siya’y namatay dahil sa atake sa puso.

Nu’ng March 17, ganap na alas-3:30 ng hapon sa may EDSA-Mandaluyong ay in-ambush ang mister ng veteran stage singer-actress-director na si Menchu Lauchengco-Yulo, ang negosyanteng si Jose Luis Yulo na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

February 23, 2019 naman sumakabilang-buhay ang indie actor na si Kristoffer King (Christopher Reyes) sa edad na 36.

March 5 naman yumao ang “Queen of Jazz” na si Annie Brazil sa edad na 85. Na-stroke siya nu’ng 2017 na naging dahilan ng unti-unti niyang panghihina. Siya’y pumanaw sa sakit na pneumonia.

Nu’ng March 8, tatlong taga-showbiz ang nagpaalam. Ang komedyana na si Marie Barbacui, ang assistant director na si Allan Noble at ang comedian na si Romeo ‘Boyong’ Baytion. Kinabukasan, March 9 ay inatake sa puso ang singer-comedian na si Chokoleit (Jonathan Aguilar Garcia) habang ito’y nagtatanghal sa isang out-of-town event na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. He was 46.

March 18, 2019 naman namatay ang veteran radio drama at TV actor na si Augusto Victa. Siya’y 87 years old.

On June 21 ay sumunod naman ang kilalang jazz singer na si Jacqui Magno sa edad na 65 at pancreatic cancer ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Sa parehong araw ay nagpaalam din ang dating beauty queen na si April Love Jordan sa edad na 31 dahil sa liver cancer.

Nu’ng August 18, 2019 ay namatay ang child actress na si Sophia Corullo sa edad na 6 dahil sa dengue. Sobra namang dinamdam ng mga Pinoy ang maagang pagyao ng philanthropist at TV host na si Gina Lopez nu’ng August 19 sa edad na 65.