Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 taon naburo: Cara naghubad

0 129

NI: ROLDAN CASTRO

Pinagmamalaki ng ‘Pandemic Manager’ na si Jojo Veloso ang alaga niyang si Cara Gonzales.

Dati siyang miyembro ng The Fabulous Girlfriends. (TFGF ) gaya nina AJ Raval at Angeli Khang.

“Malaki ang role niya sa Pornstar 2,” bungad ni Tito Jojo.

“At first hesitant na maghubad kaya more than one year nakaburo ang kontrata n’ya. Pero kinausap ko na trabaho lang ‘yan at tingnan niya kung nasaan na sina AJ at Angeli ngayon?,” tsika pa ni Mudra.

Ngayon pa lang ay tambak na ang proyekto niya. Magso-shooting na siya ng pelikulang ‘Palitan’ ni direk Brillante Mendoza .

Isang araw lang ang pahinga niya, gagawin na rin niya ang pelikulang ‘Hugas’ ni direk Roman Perez Jr with AJ Raval.

Nakatakda na rin niyang gawin ang kanyang solo movie kay direk Darryl Yap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.