Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online show pantapat ng showbiz sa pandemya

0 320

Kamusta na nga ba ang Philippine show business ngayong ang pandemya at quarantine season ay isang taon na? Hindi makakaila na ang showbiz ay sobrang apektado dahil sa katotohanang ito.

May isang higanteng television ang network ang hindi binigyan ng panibagong prangkisa. Sarado ang mga sinehan. Bawal ang concerts at kahit na ano pang form of live entertainment. Mahigpit ang protocols sa mga tapings at shootings. Walang live audiences sa musical variety shows.

Kung may mga pagtatanghal, lahat ay virtual. Ang mga pelikula, lahat sa on-platforms mapapanood na ang resulta, ang mga produktong ito, kay bilis mapirata at mapanood ng libre. Walang nahuhuli o nakukulong dahil sa pamimiratang mga ito.

Sa pamamagitan ng Film Development Council of the Philippines, nagbigyang ayuda ang piling-piling entertainment writers at workers. Isang beses lamang nangyari ito at wala na kahit na anong tulong mula sa gobiyerno nacional para sa mga taga-showbiz.

May ilang senador at mga artista na may tunay na malasakit na sa abot ng kanilang makakaya. Nagpahatid sila ng kanilang mga personal na pagtulong sa mga tinuturing nilang mga kaibigang manunulat, mapa-patnugot o kolumnista.

Isang taon na sa pandemya, kahit na marami pa ngang balakid at mga pakikibaka, ang mga miyembro ng industriya ng showbiz ay patuloy na hindi sumusuko sa hamon ng veerus (virus) at nakikipaglaban ng patas.

Ang itinatanghal na palatuntunan sa ABS-CBN, lalo na ang kanilang top rating programs, mapapanood na TV 5 at A2Z.

Naging agresibo ang Net 25 at siyempre pa ang TV 5, sa pagbibigay ng mga bagong mapapanood para sa kanilang respective target markets.

Namamayagpag pa rin siyempre ang GMA Kapuso Network bilang numero unong entertainment sa kasulukuyan. Inilunsad na rin ang mga programa sa bagong bihis na GTV.

Lahat ng shootings ay naka-lock in sa lokasyon. May mandatory swab testing bago at pagkatapos ng isang shooting o taping. Labingdalawang oras na lamang ang oras ng trabaho.

Patuloy pa rin ang mga Zoom press conference at may ilang na ring nagdadaos ng live mediacon na may lmitadong bilang ng mga taong iniimbitahan at pinadadalo. Sa mga pagtitipong ganito, sinusunod pa rin ang mga protocol sa kaligtasan.

Mrytle, Alden, Daniel pinauso ang virtual concert sa pandemya

Ilan sa mga naging matagumpay na kaganapan ngayong pandemya, ang virtual concerts ng mga sikat na artist. Ang mga talagang pumatok ang naging virtual concert shindigs ay ang kay Regine Velasquez-Alcasid, Alden Richards, Daniel Padilla, Gerald Santos, at Myrtle Sarrosa. Sila ang nagpa-uso ng digital concert.

Pati awards night ginagawa na ring virtual.

Ang digital platforms na YouTube, KUMU, Lyka, at TikTok, pati na rin nangungunang social media sites na Facebook, Instagram at Twitter, ang naging mediums ng mga artista sa Pinoy showbiz para ipamalita at ipangalandakan ang mga nangyayari sa kanilang mga buhay at karera.

Naging malaking source of entertainment at kilig rin ang Pinoy BL dramas. Ilan sa talagang pinanood at naramdaman mo talaga ang presensya sa online at traditional media ay ang “Gameboys,” “Gaya Sa Pelikula, “Hello Stranger” na nagka-movie version na, “My Extra Ordinary,” “My Day,” “Ben X Jim” at “Lockdown Boys.”

Patuloy pa rin ang pagdating nga mga BL romantic drama. Maliban sa NETFLIX kung saan mapapanood mo ang international at big budgeted dramas, dahil sa kasulukuyang sitwasyon meron na ring KTX.ph, UPSTREAM.ph, Viva Max, Cignal Pay Per View, Iflix, Ticket2Me at iba pa.

Marami rin sa mga manunulat ng entertainment ang nagkaroon ng online showbiz talk shows, vlogs at lumelevel na rin sa kasikatan at impluwensya ng mga sikat na artista.

Siyempre pa, kahit pa nga in full force ang quarantine season, walang makakapigil sa celebrity break ups, bagong mga pakikipag-relasyon, kabitan, gamitan, tsismis na nakakahibang, nakakatulala at nakakatawa.

Hindi susuko sa laban at labada ang mga taga-industriya ng show business. There is no business like no showbusiness ika nga, come hell or high water.Tuloy ang pakikibaka. Tuloy ang paglikha ng sining, sa panulat, radyo, telebisyon, pelikula at social media.

Pandemya ka lang. Pilipino kami!

Iza, Jodi, Rita, Maricel wagas ang sampalan

Kung gusto niyo na may mga matang parang mahuhulog na sa pinaglalagyan nila, mga ugat sa leeg na nagngangalit, mariin na pamamaraan ng pagsasalita at siyempre pa, back to back to back na sampalan, siguradong pumapalakpak ka sa tuwa dahil nga ganyan ang mga nangyari sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Master class in melodramatic acting talaga ang labanan nina Iza Calzado, Jodi Sta, Maria, Rita Avila at Maricel Soriano.

Gumagaralgal at gigil si Jodi, mas gagaralgalin ni Calzado ang boses niya at mas enunciated ang bagsak sa linya, alam mong alam ni La Iza ang units at objectives niya bilang Marissa.

Siyempre duro kete duro naman ang Inay Marya at level kung level ang understated, homage to Zeny Zabala kontrabida school of acting naman si La Avila.

At ang mga sampalan, malakas, matindi, mag-iiwan ng marka sa mga collagen infused face nilang apat at bongga ang cueing at choreography of this eksena na screaming epic all the way!

Leave A Reply

Your email address will not be published.