Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1 toneladang iligal na droga susunugin ng PDEA

0 221

Inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakatakda nilang sunugin ngayong Oktubre 15 ang tinatayang isang toneladang iligal na droga na kanilang nakumpiska.

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, ang pagsunog sa iligal na droga ay gagawin sa destruction site sa Trece Martires sa Cavite sa Huwebes.

SM food to go Banner Ad

“Kasalukuyan po ang ating paghahanda dahil sa October 15 po, sa darating na Huwebes ay nakatakda po tayong magsunog ng at least one ton of dangerous drugs sa atin pong destruction site sa Trece Martires, Cavite,” pahayag ni Carreon sa Laging Handa press briefing nitong Lunes.

Ito ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga concerned agencies na lahat ng mga nakumpiskang shabu ay kailangang sirain sa loob ng isang linggo upang maiwasan ang recycling o muling pagbenta na gawain ng ilang tiwaling awtoridad.

Nitong Agosto ay pinangunahan ni Villanueva at dating PNP chief Archie Gamboa ang pagwasak sa mahigit P13 bilyong iligal na droga sa Trece Martirez. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.