Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10-anyos binuntis ng erpat

0 149

NABUNTIS ng sariling ama ang menor-de-edad nitong anak na 3-taon niyang ginawang sex slave sa Cebu.

Sinabi ng Dalaguete Police Station, na nadakip naman na ang 50-anyos na suspek nitong Sabado ng hapon sa Brgy. Mantalongon, Dalaguete City.

Tuluyan itong dinakip nang ireklamo ng biktima na isang grade 6 pupil.

Kwento ng anak, nito lamang Biyernes ng huli siyang pagsamantalahan ng ama sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi naman ni Major Gilfred Baroman, dahil sa kakaibang naramdaman, nagsumbong ang biktima sa kanyang kuya hinggil sa pang-aabuso ng ama at sinamahan ang kapatid na magsampa ng kaso.

Kwento ng nene, edad 10 pa lang siya nang galawin ng ama lalo na kapag lasing at nananakot na papatayin siya kapag nagsumbong.

Isinailalim na sa medical check-up ang biktima para malaman kung ilang buwan na itong buntis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.