Abante Tonite Interactive

10-anyos nalunod sa Quezon

By
11

Patay ang 10-taong gulang na batang babae matapos na malunod sa ilog sa Barangay Payapa, Tagkawayan, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Lyca Somoro Orial, residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Tagkawayan police, bandang alas-dos ng hapon nang magkayayaan ang biktima at ilan pang kaibigan na maligo sa ilog.

Aksidente umanong napunta sa malalim na bahagi ang biktima na sinubukan pang iligtas ng mga kasama subalit mabilis itong inanod palayo dahil sa malakas na agos ng tubig.

Tuluyan na itong nalunod at nakita na lamang na lulutang-lutang sa dulong bahagi ng ilog na tinangka pang dalhin sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.