Abante Tonite Interactive

10-anyos tepok sa NPA attack sa Davao

By
6

Patay ang isang 10-anyos na lalaki matapos tamaan ng stray bullet sa pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bahay ng isang impormante ng militar, sa Davao Oriental.

Kinilala ang biktima na si Justin Adao, na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon sa ulat ni 10th Infantry Division spokesman Ryan Batchar, bandang alas-12:15 ng tang­hali noong Linggo nang lusubin ng mga NPA ang bahay ng pinaghihinalaang impormante ng ­militar na si Emmanuel Matilac, sa Barangay PM ­Sobrecarey, Caraga.

Sinunog ng mga rebelde ang bahay at hindi pa nakunteto ay pinaputukan pa ito ng baril kaya tinamaan ang biktima na anak ng isa pa umanong impormante na si Leo Adao.