Abante Tonite Interactive

10-anyos tinamaan sa shooting

215

Patay ang isang lalaki samantalang sugatan ang isang batang nadamay sa pamamaril sa Calamba City, Laguna kamakalawa.

Sa report ng Calamba City police, nakatayo sa gilid ng kalsada sa Brgy. Canlubang si Rodolfo Yadao nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek alas-otso nang umaga.

Agad ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril at sumakay sa motorsiklo na ipinarada ‘di kalayuan.

Abante Hiring – IT dep

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Nadamay naman sa pamamaril ang 10-anyos na si Marky Reyes na nakatayo malapit sa crime scene.

Ginagamot pa ito ngayon sa Global Medical Center sa Calamba City. (Ronilo Dagos)