Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 aso dedbol sa Tarlac, hinalang nilason

0 114

Palaisipan ngayon sa mga residente ng isang barangay sa Paniqui, Tarlac, ang sunod-sunod na insidente kung saan namatay ang mahigit 10 aso.

Hinala ng mga pet owner, nilason ang kanilang mga alaga.

Posible rin na sa madaling-araw ginagawa ang umano’y panglalason.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad naman itong kinondena ng Animal Kingdom Foundation (AKF).

Tinawag nila itong “animal cruelty”.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may insidente ng panlalason sa mga hayop.

Sa Pangasinan ay mga aso at pusa ang ginawang mga biktima nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.