Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 aso sa Bacolod tostado

0 143

Sampung Shih Tzu, kabilang ang apat na tuta, ang namatay sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Bacolod City noong Huwebes.

Sa report, nagmula ang sunog sa kuwarto ng bahay ng mag-asawang sina Noel at Jane Chu.

Nailigtas nila ang dalawa lang na Shih Tzu na sina Peachy at Cotton, pero hindi na nila nabalikan ang iba pa dahil sa bilis ng pagkalat at laki ng apoy.

Sinabi ni Chief Inspector Rodel Legaspi, city fire marshal, nakatang­gap sila ng fire alarm alas-11:57 ng umaga at idineklarang under control ang sunog bandang alas-12:06 ng tanghali.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinasabing ‘electrical in nature’ ang sanhi ng apoy.

“The owner informed us that there was an electrical outlet in the room that had experienced a short circuit before,” ani Legaspi.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng natupok. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.