Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 bakuna site sa QC, tukoy na

0 125

Tinukoy ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang sampung lugar na gagamitin sa pagbabakuna o ‘inoculation sites’ para sa COVID-19 vaccines para sa kaniyang ‘constituents.’

Ang mga napiling vaccination sites ay ang Project 6 Tennis Court sa District 1, Batasan Hills National High School at NGC Covered Court sa District 2 at Aguinaldo Elementary School sa District 3.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang rin ang Dona Josefa Jara Martinez High School at Diosdado Macapagal Elementary School sa District 4, Kaligayahan Activity Center at Fairview Covered Court sa District 5, at Emilio Jacinto Elementary School at Culiat High School sa District 6.

“Pinili natin ang mga lugar na ito para madaling puntahan ng mga residente ng anim na distrito ng ating siyudad.
Nagsimula na tayong magtalaga ng vaccination sites para handa na tayo oras na dumating ang bakuna,” ayon kay Belmonte. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.