Abante Tonite Interactive

10 barangay sa Maynila ni-lockdown

521

Naka-lockdown ang may sampung barangay sa Maynila upang maiwasan ang paglabas ng tao sa kani-kanilang tahanan at mailayo sila sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kabilang dito ang Barangay 48, 49, 50, 51, 52, 53, 54, 55, 307 at 308.

Nabatid na wala na ring mga vendor na nagkalat sa Raon, Evangelista, Carriedo at Recto.

Ayon kay Moreno, ilang barangay chairman ang nagsisimula nang mamahagi ng bigas at de-lata sa mga naka-lock down na barangay.

Mahigpit ring ipinatutupad ang ‘No ID, No Entry’ sa Maynila.

Samantala, ilang hotel naman sa Maynila ang pumayag na ipagamit ang kanilang mga kuwarto sa mga health worker para hindi na sila mahirapan sa pag-uwi.

Kabilang na rito ang Sogo Hotel na may 421 kuwarto, Eurotel 50 kuwarto at Bay view hotel para libreng magamit ng mga health worker. ­(Juliet de Loza-Cudia)