Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 BIFF, 2 sundalo tigok sa Maguindanao

0 585

Patay ang sampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang dalawang sundalo rin ang nasawi at 13 iba naman ang sugatan sa mahigit limang oras na engkwentro ng dalawang grupo sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao, ayon sa Philippine Army (PA).

Sinabi ni PA 6th Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Anhouvic Atilano, nakasagupa ng mga miyembro ng 57th Infantry Battalion ang puwersa ng BIFF na pinamumunuan ni sub-commander Hassan Imbal ng BIFF Abu Toraife faction, dakong alas-5:50 Miyerkoles ng umaga sa Brgy. Penditen, Datu Salibo, Maguindanao.

Bineberipika umnao ng mga sundalo ang ulat na may presensya ng mga terorista sa lugar nang bigla silang paputukan ng mga ito, pero sa huli ay umatras din. Sa hot pursuit operation, kinumpirma ng mga residente sa lugar na may mga nilibing na mga bangkay ang mga BIFF.

“Several locals have offered information to pinpoint where some of the BIFF extremists were hurriedly buried near the encounter area,” dagdag pa ng opisyal.

Kinilala naman ang mga sundalong namatay sa operasyon na sina PFC Jovit Sarno at Raymond Canlog.

Ang grupo umano ni Imbal ang nasa likod ng pambobomba sa Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.