Abante Tonite Interactive

10 Coast guard personnel positive sa drug test

By
6

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na masisibak sa kanilang tungkulin ang 10 nilang tauhan na nag positibo sa isinagawang supresang ‘drug test’ sa sandaling muli silang mag positibo sa isasagawang confirmatory test.

Nabatid na ang 10 PCG personnel ay kabilang sa may 2,000 PCG personnel na sumailalim sa surprise drug test.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, alamin sa confimatory test kung anong klase ang mga ‘fluids’ na  nakita sa kanilang ihi at sa sandaling mapatunayan na ito ay ‘illegal drug substance’, isasailalim sila sa summary dismissal.

Abante Hiring – IT dep

Una nang isinagawa ang surprise drug test noong Hulyo 4 sa PCG Headquarters at Sangley Point sa Cavite.

Nalaman na magsasagawa pa ng mga supresang drug test sa iba’t-ibang PCG Regional Office para madetermina kung may mga personnel ng PCG ang gumagamit na ipinagbabawal na droga.