Abante Tonite Interactive

10 dagdag pasahe sa taxi, inihirit

By
178

Hindi kontento ang isang grupo ng taxi driver sa ipinagkaloob na fare increase ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil hihirit pa sila ng dagdag na P10 sa flag down rate.

Giit ni Fermin Octobre,­ national president ng Dri­vers Unite for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER), patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kaya hihirit sila ng dagdag sa pasahe sa taxi.

Nitong Agosto lamang, pinayagan ng LTFRB ang fare increase sa taxi subalit kailangan i-calibrate muna ang kanilang mga metro.

Pinanatili sa P40 ang flag down rate, subalit tumaas na sa P13.50 ang dating P11 na pasahe sa bawat kilometro. Pinahintulutan na rin ang mga taxi sa P2 per minute tra­vel charge.

“Halos hindi pa na calib­rate ang mga taxi meter nagtaas na ang boun­dary ng mga operator tapos eto na naman panibagong increase ng diesel, gasolina at LPG,” himutok ni Octobre.

Simula ngayong Martes, ikakarga na ang P0.65 sa kada litro ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene. Ito na ang ikalimang sunod na oil price hike.