Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 Food deliver ginoyo ng pekeng buyer

0 102

Mahigit sa 10 food delivery ang nabikitma ng isang costumer sa Las Pinas City matapos itong umorder online ng ibat-ibang produkto kahapon sa nasabing lungsod.

Dismayado ang mga food delivery riders na nagkumpulan sa isang bahay sa Pilar Village, Las Pinas City kahapon ng umaga matapos malamang na-scam sila ng isang costumer na nagpakilalang AJ Pande na gumamit ng isang delivery app upang manloko ng mga riders.

Ayon sa witness na nakilalang si Natalie Dela Cruz, na siyang nag-post ng insidente sa kanyang FB Page, gumamit ng ibat-ibang contact number ang suspek pero iisang address ang ibinigay.

“Nakwento sa ‘kin ng mga rider na pinick-up po nila sa seller ‘yung order ni AJ Pande. Paiba-iba ‘yung contact number na binigay ni AJ pero same address,” saad ng saksing si Natalie.

Isa-isa namang nagdatingan ang mga delivery riders at nag-umpukan na sa iisang bahay hanggang sa madiskubre nilang walang AJ Pande na nakatira doon.

“Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa nakalagay na address. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon,” saad pa ni Natalie sa isang panayam sa telebisyon.

Hindi ito ang unang insidente ng panloloko ng mga costumers sa mga delivery riders mula nang magsimula ang quarantine period.

Matatandaang nitong nakaraang Mayo ay nagkaroon din ng ganitong insidente matapos na maloko ang ilang mga delivery riders ng isang tumawag na costumer at umorder ng pagkain subalit natuklasang wala namang ganung pangalan sa ibinigay na address. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.