Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 haybol nagliyab sa Payatas

0 96

Sampung kabahayan ang natupok sa residential area sa Barangay Payatas, Quezon City, kahapon ng umaga.

Dalawa sa kabayahan ay ginagamit na storage ng mga ibinebentang foam.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog na nagsimula ganap na alas-4:00 ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Lungsod Quezon, iniimbestigahan pa nila ang sanhi ng sunog na agad namang naapula at inaalam kung magkano ang napinsala. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.