Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 ibon na 8-taon sa Singapore nasa `Pinas na

0 353

Naibalik na sa Pilipinas ang 10 Luzon bleeding-hearts, mga ibon na nasa near-threatened category na sumailalim sa 8-taong conservation breeding program sa Singapore.

Ayon sa Department of Foreign Affairs na dumating na sa Maynila ang 10 bleeding-hearts matapos ang walong taong partnership ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Avilon Zoo at ang Jurong Bird Park sa Singapore. Bukod tanging sa Pilipinas lang makikita ang nasabing ibon.

Si Philippine Ambassador to Singapore Joseph del Mar Yap ang tumanggap ng mga ibon sa isang symbolic handover sa Singapore.

Napagalaman bago dinala sa bansa ang mga ibon, na-quarantine sila ng isang buwan sa Singapore para matiyak ang kanilang maayos na kalusugan at ngayon isasailalim sila ulit sa isang buwan na quarantine sa pangangalaga ng DENR. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.