Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 importer VIP sa DA – Villar

0 298

Ipinagtataka ni Senador Cynthia Villar, chair ng Senate committee on agriculture kung bakit 10 importer lang diumano ang binigyan ng Department of Agriculture (DA) ng ‘special treatment’ sa pag-angkat ng karne ng baboy.

“Kasi dito, 10 ang nakaka-import lang. Tinitingan ko ang listahan ng nakaka-import ng hogs. Hinahanap ko sila wala akong makitang mga tao na makilala ko sa mga importer ng hogs na ito,” pahayag ni Villar sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa food security crisis dulot ng African Swine Fever (ASF).

Ayon pa sa senadora, “Antagal na silang malaki ang kita nila bakit hindi nila maibaba ang price ng hogs? At napansin mo, ngayong lang January tumaas. Bakit tumaas? Pinataas nila. Bakit mo biglang tumaas para bigyan sila ng DA na lowering of tariffs at saka pag-increase ng maximum access volume (MAV).”

Puna pa ni Villar, “Kasi ang ASF, kasalanan ng DA yan eh. Hindi nila pinansin yung disease control, wala silang ginagawa sa disease control. Pinahirapan nila ang industry, tapos bibigyan pa ng benefits ang mga importer, parang maling-mali naman yan.” (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.