Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 kabayo sa Baguio dedo sa gutom

0 73

Patay ang sampung kabayo sa kilalang tourist destination sa Baguio City dahil sa pagkagutom nitong pandemya.

Ayon sa ulat sa telebisyon, sinabi ng may-ari ng mga kabayo na si Marvin Jamon, na namatay ang kanyang mga alaga sa Wright Park dahil sa kawalan ng makakain makaraang manatiling nakasara ang pasyalan sa mga turista.

Namayat at nanghina umano ang mga kabayo, ayon kay Jamon.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, pinag-aaralan na ng local government kung kailan at paano bubuksan ang lungsod sa mga turista.

Hanggang noong Lunes, 341 COVID-19 case na ang naitala sa City of Pines, 81 na lang ang active case.

Leave A Reply

Your email address will not be published.