Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 koponan rambulan sa Chooks-PH 3×3

0 138

KABUUANG 10 ang nagkumpirma ng kanilang pagsali bilang propesyonal na koponan sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na isasagawa ang una sa tatlo nitong komperensiya sa Setyembre sa Inspire Sports Complex sa Calamba, Laguna.

Kalahok ang mga koponan mula San Juan, Sta. Lucia Realty, Nueva Ecija A, Zamboanga A, Sulu, Porac, Mindoro, Pasig, Nueva Ecija B at Zamboanga B.

Dalawa pang koponan ang nakikipag-usap na rin sa liga bagaman inaasahang mas dadami pa ang bilang ng mga nais na sumali sa idineklara ng Games and Amusements Board (GAB) na pinakaunang propesyonal na liga sa 3×3 sakaling matapos ang ipinapatupad na General Community Quarantine (GCQ) at bago magsimula ang liga.

Agad din nakipag-usap isang araw matapos na igawad ang pro-status sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang itinalaga na Commissioner na si Eric Altamirano sa mga may-ari ng koponan.

Ipinaliwanag din ni Altamirano sa mga team owner na sasabak sa makasaysayang 2020 season ng liga na may basbas din ng International Basketball Federation noong pulong Huwebes sa C3 Events Place sa San Juan ang magiging direksyon at tunguhin ng liga.

Dumalo sa pulong sina San Juan-Go for Gold team governor Chris Conwi; Sta. Lucia sports head Buddy Encarnado; Nueva Ecija team manager Jai Reyes at official Mike Baldos; Porac-Big Boss Cement team owner Ryan Monteclaro; Zamboanga-Family’s Brand Sardines’ Tonette Roque; Mindoro team official Justin Tan at Teytey Teodoro at Sulu team official Marvin Forniza. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.