Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 lespu binugbog kalaro sa basketball

0 194

Nahaharap ngayon sa kaso ang 10 pulis matapos umano nilang pagtulungang bugbugin ang isang lalaki na kanilang nakalaro sa basketball sa San Fabian, Echague, Isabela kamakailan.

Ang mga pulis ay inireklamo ng biktimang si Jayson Macutay, 21-anyos, at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng Bombo Radyo Cauayan, nangyari ang pambubugbog noong Enero 19 nang makalaro ng biktima sa basketball ang isang grupo ng mga pulis.

Agresibo umano ang mga pulis na nangangamoy alak at madalas manulak hanggang sa na-foul ang isa sa mga ito na kalaunan ay nakilalang si P/Capt. Teresito Calimposan Jr., commanding officer ng 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagtalikod umano ng biktima ay binalibag siya ng bola ni Calimposan na tumama sa kanyang likod kaya sinuntok niya ito. Dahil dito, rumesbak ang mga pulis at pinagtulungan ang biktima dahil hepe umano nila ang sinuntok.

Samantala, sinabi ni Macutay na hindi siya nakapanlaban dahil hinawakan siya ng ibang pulis habang binubugbog.

Sa medical certificate na inilabas ng Echague District Hospital, nagtamo ang biktima ng contusion hematoma secondary to mauling.

Humingi naman ng paumanhin si Calimposan sa ginawang pambubugbog ng kanyang mga tauhan subalit ayon sa biktima ay itutuloy nito ang kaso. (Janet Bay)

Leave A Reply

Your email address will not be published.