Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 lugar sa Quezon City ni-lockdown

0 270

Dahil sa mataas na bilang o clustering ng kaso ng COVID-19 infection, 10 lugar sa Quezon City ang isinailalim sa ‘special concern lockdown’ nitong Biyernes, Hulyo 17.

Ang mga isinailalim sa lockdown ay ang Sitio Ruby sa Fairview; Insurance Street Extension sa Sangandaan; Loans St., Alley 4 sa Sangandaan; 70 Mendez Road sa Baesa; FVR Building sa kahabaan ng Guirayan Street sa Dona Imelda; Fatima Street corner Liwanag sa San Vicente; 14G Maayusin Extension sa San Vicente; Maparaan Stfreet hanggang sa Kalayaan Street sa Central; Ruby Stone HOA sa Kaligayahan, at 127 Rebisco Road sa Nagkaisang Nayon.

Nasa 99 na kataong lumabag sa quarantine protocol ang sinita ng QC Department of Public Order and Safety simula Hulyo 8. Karamihan dito ay ang mga hindi nakasuot ng face mask sa mga publikong lugar.

Sinailalim sila sa documentation at pinag-seminar ukol sa quarantine protocol.

Samantala, ilang mga menor de edad na nasitang pagala-gala sa labas ng bahay ang pinatawag ang kanilang mga magulan at isinailalim sa counseling.

Base sa huling tala nitong Hulyo 17, may 4,952 DOH-confirmed COVID-19 cases na sa Quezon City habang 1,909 dito ang active cases. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.