Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 mayor nawala habang humahagupit si `Rolly’

0 202

Ipatatawag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang 10 alkalde dahil sa umano’y pagkawala ng mga ito habang humahagupit ang super bagyong `Rolly’.

Ayon kay Año, sa 1,047 opisyal ay 10 ang wala sa kanilang mga lugar para umaksyon sa pagsalanta ng bagyo.

SM food to go Banner Ad

Hindi pinangalanan ng kalihim ang 10 alkalde ngunit batid na aniya ng DILG kung sino-sino ang mga ito.

“Sampu lang ang unaccounted natin, so 99 percent po ay nasa kanilang mga lugar upang mag-supervise. `Yong sampu na wala ay na-identify na namin at ito ay aking pagpapaliwanagin,” lahad ng kalihim sa ginanap na ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.