Abante Tonite Interactive

10 milyong Pinoy no read, no write

226

Itinutulak ni Senador ­Sherwin Gatchalian na palawakin pa ang Alternative Learning System sa bansa upang matugunan ang mga problema sa edukasyon katulad aniya ng 10 milyong Pilipino na no read, no write.

Ang ALS ay katapat ng formal education system ng Department of Education.
Sabi ng senador, mahalaga ang ALS program para maabot ang 24 milyong Pinoy na edad 15 pataas na hindi ­nakukumpleto ang basic education.

Punto ng senador, bagama’t ­tumaas ang bilang ng mga ­nag-enroll sa ALS nitong mga nagdaang taon, hindi naman ­natatapos ng ­karamihan ang programa.

Batay sa datos ng DepEd, may 2,025,167 ang nag-enroll sa ALS sa pagitan ng 2016 hanggang 2018 subalit 1,329,667 lamang ang nakakumpleto sa programa.

“We have 24 million people, who did not graduate from high school, so that’s one out of four, and there are one out of ten or ten percent of our population that cannot read and write, so that’s 10 million. There’s an ­urgent need to put a lot of attention to ALS because it also captures ­literacy,” ani Gatchalian.

Kung kaya’t pursigido ­umano ang senador na isulong ang ­kanyang Senate Bill No. 740 na naglalayong mabigyan ng ­accessible training at education ang bawat barangay, kabilang na iyong mga nasa kabundukan, mga indigenous people, mga batang naiipit sa giyera, mga nakakulong at iba pang mahihirap ng sektor ng lipunan.

Nauna nang sinabi ni DepEd Assistant Secretary at ALS Task Force Head G.H. S. Ambat na dapat nang mag-evolve ang ALS curriculum sa bansa.

“There are so many ­challenges brought about by the fourth ­industrial revolution so our ­learners need to learn information and ­literacy skills, communication skills, life and career skills, which are part of the K-12 program,” sabi ni ­Ambat sa pagdinig ng Senate committee on basic education.

Para matiyak ang kalidad ng pagtuturo ng ALS, sinabi ni Gatchalian na dapat ­masagawa rin ng training program para sa mga guro ng ALS. (Dindo ­Matining)