Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 nakorner sa Bulacan buy-bust

0 79

Sampung hinihinalang drug suspect, kabilang ang tatlong drug peddler na kasama sa drug watch list, ang hinuli ng pulisya sa mga anti-illegal drug operation sa Bulacan kamakalawa.

Base sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, kabilang sa mga nadakip sina Charito Santiago alyas ‘Che’ ng Barangay Libtong, Meycauayan City; Alaneia Santos alyas ‘Lea’ ng Barangay Lambakin, Marilao; Jordan Yasay alyas ‘Duck’ ng Brgy. Lumang-Bayan, Plaridel, pawang kabilang umano sa watch list; Markson Luciano ng Barangay Parada, Sta. Maria; Christian Gayola, at Ricardo Calaguas, kapwa ng Angeles City, Pampanga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umabot sa kabuuang 20 pakete ng shabu at buy-bust money ang sinasabing narekober mula sa mga ikinasang buy-bust sa Meycauayan City, Bocaue, Calumpit, Malolos City, Plaridel, at Sta. Maria. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.