Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 nalason sa libreng pakain ni cong

0 264

Mahigit sa sampung residente ng isang barangay sa Jose Abad Santos, Davao Occidental ang nalason sa pagkain na ipinamigay umano ng isang kongresista.

Sa lumabas na report sa Bombo Radyo, bumisita sa Barangay Calbay si Davao Occidental Congresswoman Lorna Bautista at nagdala ng mga pagkain na siyang ipinamahagi sa mga residente ng lugar.

Subalit ilang oras pa lamang matapos kumain ay nakaranas na ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae ang mga residente kaya isinugod sa ospital ang karamihan sa mga ito.

Patuloy umanong inoobserbahan sa Tomas Lacheca District Hospital ang mga biktima.

Iniimbestigahan pa ng mga health official ang naturang insidente.

Tinangkang kunin ang panig ng kongresista hinggil sa insidente ngunit hindi ito makontak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.