Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 nalason sa pansit, laing

0 429

Patay ang dalawa katao habang ginagamot sa ospital ang walo pa nilang kaanak matapos umanong malason sa ginataang laing at pansit na niluto sa kanilang family outing sa Barangay Bigaas, Calabanga, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing sina Marco Buenafe, 10, at Maritess Arias, 56. Sinugod naman sa pagamutan ang kaanak nilang sina Julie Vargas, 40, James Buenafe, 13, Gemma Buenafe, 41, Mary Anne Abejero, 24, Rey De Alday, 4, Marime Arias, 30, Abegail Arias, 15, at Jay Ar Palacio, 17, pawang taga-Barangay Bigaas.

Sa ulat ng Police Regional Office 5 kahapon, Abril 10 nang mag-outing ang magkakaanak na biktima sa Inarihan river sa Barangay Siba-o, Calabanga, Camarines Sur.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Maritess Arias ang natokang magluto ng ginataang laing at pansit na kanilang pinagsaluhan.

Pag-uwi at pagsapit ng madaling araw ay isa-isa nang isinugod sa Bicol Medica Center at NICC Doctors Hospital sa Naga City ang mga biktimang sinakitan ng tiyan, nagsuka at nahilo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.