Abante Tonite Interactive

10 natural na paraan para mapalakas ang iyong metabolismo

0 351

Habang nagkaka-edad, bumabagal din ang metabolismo ng isang tao. Narito ang ilang tips para lumakas ang pa­ngangatawan sa natural na mga paraan:

1) Kumain ng pinya – Ang pinya o pineapple ay mayaman sa bromelain na tumutulong para mabilis na ma-breakdown o matunaw ang mga kinain.

2) Mag-meditate – Kapag nararamdaman mo na naii-stress ka, may masamang epekto ito sa katawan kaya bumabagal ang metabolism.

3) Sip green tea – Gawing routine ang pag-inom ng green tea sa isang araw. (natural green tea at hindi ang bottled green tea na mayaman sa asukal). Ang green tea ay may taglay na ca­techins na tumutulong para ma-boost o mapalakas ang metabolism ng katawan.

4) Cold shower –Ang paliligo gamit ang malamig na tubig (normal na temperatura ng tubig sa gripo o shower) ay nakakatulong para mapanatili ang normal na tempe­rature ng katawan.

5) I-limit ang pag-inom ng alcohol – Pinapabagal ng alcohol ang metabolism bukod sa nadadagdagan ang calories sa iyong diet.
6) Uminom ng malamig na tubig – Ang pag-inom ng malamig na tubig ay nakakatulong para ma­ging normal ang temperature ng katawan.

7) Maglagay ng cayenne pepper sa pagkain – Ang Cayenne pepper ay may taglay na capsaic na nagpapainit ng katawan, nagpapataas ng body temperature, bukod sa pinapataas ang heart rate.

8) Tumayo-tayo sa trabaho – Sa halip na umupo sa trabaho ng buong araw. pili­ting tumayo o maglakadlakad dahil ang matagal na pag-upo ay masama sa kalusugan.

9) Breathe o paghinga nang malalim – Praktisin ang paghinga nang malalim o iyong tinatawag na diaphragm breathing na nagmumula sa bandang tiyan pataas. Breathing allows more oxygen to enter your body.

10) Get enough sunshine – Ugaliin ang pagpapa-araw lalo na sa umaga. Ang mababang vitamin D ng katawan ay nagpapabagal sa metabolism ng isang tao.