Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 oil firm sabit sa scam – SEC

0 51

Sampung fuel company ang tinukoy ng Securities and Exchange Commission-Markets and Securities Regulation Department (SEC-MSRD) na hindi kumuha ng permit sa kanila para magbenta ng investment o securities sa publiko.

Kinilala ni SEC-MSRD Director Vicente Graciano Felizmenio Jr. ang 10 kompanya na PetroMobil, FlexFuel, Jeafer Fuel, Maximum Fuel, Power Fill, Nirvana Fuel Corporation, Marz Fuel, Ofir Petroleum, Astral Fuel at iFuel.

Ayon kay Felizmenio, hindi nagrehistro ang mga naturang kompanya at hindi rin sila inisyuhan ng permit para magbenta ng investment o securities.

Noong Setyembre lamang, kinumpiska ng Bureau of Customs ang nasa 6,357 litrong diesel ng Petromobil dahil sa hinalang smuggled o puslit ito matapos mabatid na kulang ang natagpuang fuel marker sa mga binebenta ng kompanya sa Angeles City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-isyu rin ang SEC ng advisory laban sa Petromobil noong Hulyo dahil saw ala itong permiso na mag-alok ng investment sa publiko.

Inamin naman ni Petromobil president at chief executive officer Jesser Cordova sa mga investor ng kompanya na may pinagdadaanan sila at naging mahirap ito sa kompanya simula pa noong Hulyo.

Nag-aalok naman ng co-ownership at co-franchising ang FlexFuel, Jeafer Fuel at Nirvana Fuel sa publiko na maaaring maituring na rin na pagbebenta ng investment na wala silang mga permiso.

Naglabas na rin advisory ang SEC laban sa Ofir Petroleum dahil wala itong permit para magbenta ng investment sa publiko. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.