Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 pagyanig naitala sa Mayon

0 67

Nakapagtala ng isang rockfall event at 10 lindol ang Mayon Volcano kahapon.

Ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula magnitude 1.1 hanggang magnitude 3.1 ang mga lindol, at pinakamalakas sa mga ito ay nagparanas ng Intensity 1 sa bayan ng Sto. Domingo, Albay.

Katamtaman rin anilang nagpakawala ang bulkan ng puting usok, habang huling nasukat ang paglabas ng sulfur dioxide ng Mayon noong Pebrero 25 sa average na 222 tonelada kada araw.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Phivolcs, nananatiling inflated ang Mayon edifice.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.