Abante Tonite Interactive

10 pasahero ng bus nilimas

By
11

Natangayan ng mga pera at gadgets ang may sampung pasahero ng isang bus matapos holdapin ng tatlong lalaking armado ng baril, kahapon ng madaling-araw sa Taft Avenue, Malate, Maynila.

Ayon sa reklamo ni Rizalino Carumba, driver ng HM Transport bus na may biyaheng Lawton-Alabang at may plakang TYV-303 binabagtas nila ang J. Nakpil St. kanto ng Taft Avenue, Malate, Maynila nang sumampa ang tatlong holdaper nasa 40-45-anyos, nakasuot ng puting t-shirt, jacket at pantalon dakong alas-singko ng umaga.

Hindi umano nagdeklara ng holdap ang mga suspek at sa halip ay kaagad nang tinutukan ng baril ng isa sa kanila si Carumba habang ang dalawang kasamahan naman nito, na kapwa armado rin ng baril, ang nangulimbat sa mga pera, cellphone, alahas at mahahalagang gamit ng kanyang mga pa­sahero, na karamihan ay mga emple­yado at mga estudyanteng papasok na sa trabaho at eskwela.

Nabatid na nanakot pa ang mga suspek na pasasabugin ang bus sa pamamagitan ng paghagis ng granada bago tuluyang bumaba at tumakas.