Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 patay, 101 timbog sa operasyon kontra loose firearm

0 89

Umaabot sa 101 katao ang naaresto habang 137 iba’t ibang klase ng baril ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) Bicol sa ikinasa nilang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) kontra loose firearms mula Pebrero 25 hanggang 27 ng taong ito.

Ayon kay Police Brig. Gen. Bartolome Bustamante, bukod sa mga naaresto ay 10 katao din ang nasawi sa isinagawang operasyon matapos umanong manlaban sa mga aarestong pulisya.

Ayon kay Bustamante, ang lalawigan ng Masbate ang may pinakamaraming nakumpiskang hindi lisensyadong armas na umaabot sa 35, na sinundan naman ng Camarines Sur na mayroong 29 na loose firearms na nakumpiska; pumangatlo ang Albay na may 23; Sorsogon ang pang-apat na may 19 nakumpiskang armas; Camarines Norte, 17; Catanduanes 9; at Naga City, 5.

SM food to go Banner Ad

Nasa 71 piraso naman ng kalibre .38; 33 caliber.45 pistol; 7 shotguns; 8 caliber .22 revolver; 1 caliber 5.56 revolver; 6 caliber 9mm; 1 KG9; 2 caliber .357; 1 caliber 25SMG; 1 replica ng 9mm pistol; 2 caliber .22 rifle at 4 na hindi pa batid na kalibre ng baril ang nakuha sa nasabing operasyon.

Samantala 5 naman ang napatay sa lalawigan ng Camarines Norte sa nasabing tatlong araw na operasyon habang 2 sa Camarines Sur; 2 sa Naga City at 1 sa Sorsogon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.