Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 rebelde sumurender

0 90

Sampung miyembro ng Communist Party of the Phil.-New Peoples’ Army (CPP-NPA) ang sumuko sa Nueva Ecija sa patuloy na kampanya ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa lalawigan.

Sa ulat ni PColonel Marvin Joe Saro, NE OIC provincial director, sa tanggapan ni PBGen. Valeriano De Leon, ang mga sumuko ay armado pa ng mga high powered firearms.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa mga sumuko noong Biyernes kay PLtCol. Alexander Aurelio, 1st Prov’l. Mobile Force Commander sa Brgy. Tugatog, Bongabon, NE sina alyas Ka erry/Ben/ Carding/Manny, 55; @ Ka Diway, 44; @ Ka Dondon,28; @ Ka Jeng, 34, @Ka Renz,41, @ Ka Amang, isa pang babae na mula sa MB KLG Sierra Madre at 47-anyos na lalaking miyembro ng MB Southern Tagalog Command at Gabriela.

Noong Huwebes ay sumuko kina PLtCol Marco Aaron Dadez sa San Jose City sina @Ka Resty, 53, at si @Ka Asin/ Kardo, 58 anyos.

“The surrenderees will undergo debriefing and profiling,” saad naman ni Philippine Army 7th Infantry Division commander Major General Alfredo Rosario Jr. (Jojo De Guzman/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.