Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 sabungero kinalawit

0 131

Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police District ang 10 sabungero matapos matiyempuhan habang nagtutupada sa Brgy. Tandang Sora, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat, kinilala ni QCPD director Brig. Gen. Ronnie Montejo ang nasakoteng sina Calixto Pellazar, 48; Jonas Amper, 64; Dennis Pelendiana, 33; Ellazar Simabanan, 43; Daddy Gaffud, 35; Rodelio Cruz, 38; Sonny Edaño, 32; Jason Harold Nepomuceno, 40; at Camilo Bañez, 63, pawang nakatira sa Brgy. Tandang Sora; at Brian Bien, 36, taga-San Juan City.

Isang impormante umano ang nag-tip sa mga pulis na may nagaganap na tupada sa Tandang Sora Avenue kaya rumesponde ang mga operatiba na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek dakong alas-11:50 ng umaga kamakalawa.

Bukod sa mga suspek, dinampot din ng mga awtoridad ang dalawang panabong na manok at mahigit P2,000 bet money.

Binitbit ang mga suspek sa QCPD-District Special Operation Unit para sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) at Republic Act No. 11332 dahil sa paglabag sa social distancing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.