Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 sanggol nalitson sa ospital

0 57

Maagang binawian ng buhay ang sampung bagong panganak na sanggol sa naganap na sunog sa isang ospital sa India nitong Sabado.

Sa ulat, nasunog ang Sick Newborn Care Unit (SNCU) sa Bhandara district, Maharashtra kung saan pitong sanggol naman ang na-rescue ng mga bumbero.

SM food to go Banner Ad

Sanhi ng sunog ay short circuit sa SNCU habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, pinagluksa ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang insidente.

“Heart-wrenching tragedy in Bhandara, Maharashtra, where we have lost precious young lives. My thoughts are with all the bereaved families. I hope the injured recover as early as possible,” tweet niya nitong Sabado. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.