Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 sasakyan karambola, biker dedo

0 44

Patay ang isang nagbi­bisikleta habang pawang sugatan ang anim pang katao nang nabangga ng isang kotse habang naka­tigil ang mga sasakyan sa gitna ng kalsada sa Imus City, Cavite Linggo ng umaga.

Isinugod pa sa ospital si Valintin Escoto, 45, pero idineklarang dead on arrival habang sa Ospital ng Imus dinala sina Jessrill Rimando at angkas niyang si Nikka Lumampo; mag-asawang Jeffrey at Meladie Sardane; motorcycle rider na si Ariel Simbulan; at ang sakay sa Honda BRV na minamane­ho ni Jonar Lumang na si Joyce Sancho.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Imus City Police, dakong alas-7:30 ng umaga naganap ang insidente kung saan na­kahinto ang lahat ng mga sasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Anabu 2 nang nabangga ng mina­manehong Mitsubishi GLX (NQU 7917) ni Leovino Mancilla Jr. ang puwitang bahagi ng jeepney ni Rey­naldo Layba, 55.

Sunod-sunod na ang banggaan ng mga behiku­lo: bisikleta ni Escoto; mga motorsiko nina Rimando, Simbulan, Jeffrey, at John Kenneth Casapao; at kotse nina Lumang, Rahyane Aquino, at Federito Guna. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.