Abante Tonite Interactive

10 sintomas na may sakit si Bantay at Muning

232

Minamahal kong mga PETmalu,

Madalas akong tinatanong ng mga furparents – “Kailan ko ba dapat da­lhin ang aking ­alaga sa vet?”

Ang sagot ko: Maliban sa ­annual check-up, kapag may kakaibang sintomas o kilos ang iyong alaga, ­dalhin niyo agad sa vet. Dahil hindi siya ­nakakapagsalita, hindi niya maihahayag sa iyo ang ­nararamdaman niya.

Mahalaga ang pagiging sensitibo sa kilos at kundisyon ng ating mga alaga kaya dapat tayo’y maging mga Pet Detective!!!

Narito ang sampung sintomas na ang iyong ­alagang aso o pusa ay may dinadalang ­karamdaman:

Sipon, ubo at pagmumuta – ito ay mga ­senyales ng upper-respiratory tract infection, ­kennel cough o distemper.

Pagsusuka at Diarrhea – ang minsanang ­pagsusuka ay normal sa aso o pusa. Pero kung ito ay madalas mangyari sa loob ng isang araw, may kasamang diarrhea o panghihina, ­pumunta agad sa vet.

Pagbabago sa pag-ihi – ang mas madalas na pag-ihi at pagiging uhaw ay mga senyales ng ­diabetes. Kung mas bawas naman ang pag-ihi ng pet niyo o ‘di kaya’y hirap siyang umihi, ­maaaring UTI ito o sakit sa bato o atay.

Kahirapan sa paglalakad – kapag senior ­doggyzen o kittizen na ang furbaby niyo posibleng magkaroon siya ng arthritis. May mga gamot at lifestyle change na maaring gawin para lumakas ang mga buto at kasukasuan ni Doggy at Kitty.

Bad breath – kadalasan ito ay senyales ng ­dental problems. Kapag ito’y napabayaan maaari ito maging periodontal disease.

Paglalaway – posibleng may buto na naipit sa ipin ng inyong alaga pero ingat lang po dahil ang paglalaway ay sintomas din ng rabies o ­cancer sa bibig.

Pag-alog ng ulo , pangangati at pangangamoy ng tenga – posibleng may yeast, fungus o bacteria ang tenga ng alaga niyo. Kapag hindi ito naaksyunan agad, maaring maapektuhan ang pandinig, facial muscles, mata at balance ng inyong alaga.

Dugo sa ihi o dumi – Posibleng Giardia parasite ito o UTI. Maaaring senyales din ito na may mas malubhang karamdaman ang iyong pet tulad ng Parvo, kidney o liver disease o cancer.

Pagbabago sa ugali – kapag biglang naging agresibo o matatakutin ang iyong alaga posibleng may trauma na nangyari sa kanya. Senyales din ito ng dementia o iba pang neurological disease.

Pangangati at paglagas ng balahibo – ito ay mga sintomas ng allergy, skin mites o garapata.

Kapag nakita niyo ang sintomas na ito sa ­inyong alaga, huwag nang mag-atubi­ling ­pumunta sa vet!

Remember, a healthy pet is a happy pet!

Pawsomely yours,
Joyce

***

Photos by Lydia Torrey and Paul Hanaoka
Email: UsapangPetmaluAtbp@yahoo.com
Facebook: Joyce Ann Burton Titular
Instagram: Joyce Ann Burton