Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 smuggled na yayamaning sasakyan dinurog

0 61

Winasak ng Bureau of Customs ang 10 smuggled na sasakyan kasama na ang anim na luxury vehicles nitong Martes.

Sabi ng BoC, ginawa ito bilang babala sa mga taong iligal na mag-iimport ng mga sasakyan sa bansa.

Pinakayod sa backhoe ang mga bubong at makina ng mga sasakyan. Kabilang dito ang isang Alfa Romeo, Mercedes Benz, Porsche 911, Range Rover Evocque 2019, Land Rover 2012, 2007 Bentley Continental GT, Ford F-150, Toyota Landcruiser, itim na van ng Renault at bagong Hyundai Starex.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tanong ng netizen na si Ivan Co Bernardes sa Facebook page ng BoC, “Can someone explain to me why they choose to destroy instead of profit? The proceeds will surely be a lot of help to our country. Hoping to get a legitimate answer.”

Paliwanag naman sa kanya ni Abraham Reyes, “sa auction po kase aabangan yan ng mga smuggler kasi mura nila makukuha kaya para malugi mga smugglers dapat po talagang sirain na lang kasi kung gagamitin ng government yan e magiging issue pa sa karamihan.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.