Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 supporter ni Ka Leody dinampot sa Leyte

0 91

Bagsak sa kulungan ang 10 tagasuporta ni presidential candidate Ka Leody de Guzman matapos umanong magkasa ng rally ang mga ito nang walang permit sa Ormoc City, Leyte.

Kinilala ang dinakip na sina Richard Impas, 37; Jesus Catantan, 48; Marilyn Monte, 53; Jennelyn Malate, 48; Xerxes Solon, 45; John Paul Pradilla, 22; Albert Tabanao, 20; Alvin Torejano, 24; Marlex Baroza, 20 at Dandy Codilla, 27.

Pinagbabayad sila ngayon ng tig-P6K bawat isa para sa piyansa.

Nilabag umano nila ang Public Assembly Act of 1985 nang magprotesta sa Ormoc noong Mayo 1 nang walang permit. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.